Makapag Tagalog nga muna.

Makapag Tagalog nga muna.

Hi loves and welcome back to my blog!

Ayan, eto na guys ang oras para halughugin ang buong Osaka.

Sa pagkakaalam ko, madami dami ding Pinoy ang nakatira dito sa lugar na tinitirhan ko.

Kaya eto, hahagilapin ko buong Osaka para lang makahanap ng kaibigan. HAHAHA.

 

 

 

 

Guys, kailangan ko ng makakausap. Ng kaibigan. Barkada.

Makakasama sa pag-gala, puntang cafe, puntang bilyaran, just like the old times.

 

 

 

 

Nung nasa Pinas pa ako, may tatlo akong kaibigan na mahal na mahal ko.

Isang babae, isang lalaki at isang beki.

Sobrang saya nilang kasama. 

Mapa-saan, mapa-anong oras pa man. Lagi silang nandyan pag kailangan ko sila, at ganun din ako.

Kailangan mo ng makakausap? Just text me.

Kailangan mo ng kasama mamalengke? Tara!

Kailangan mo ng kalaro sa tong its o bilyar? Game ako dyan.

 

 

 

 

Mas simple ang buhay noon kesa ngayong Japanese citizen na ako at kailangan kong makipag-sapalaran kasama ang mga Hapon.

Yes, I’m Japanese too, pero laking Pinas ako teh.

Iba pa din pag ang kasama mo e yung kapareho mo.

Alam mo yun, pareho kayo ng vibes.

Gusto mo manuod ng sine, gora.

Gusto mo kumain ng adobo with saging, tara luto.

Gusto mo pumunta ng mall para magpalamig, tara agad agad.

 

 

 

 

Ibang iba talaga noon. And I really regret that I took everything for granted nung nasa Pinas pa ako.

Yung ex-boyfriend kong sobrang suportado ako kahit na wala syang kaalam alam sa mga ginagawa ko,

sa mga kaibigan kong mahal na mahal ko pero pinagsinungalingan ko din.

Sa mga magulang ko na walang sawa sa pag intindi sa akin at di nag dalawang isip na bigyan ako ng paulit ulit na chance para magabo ko ang buhay ko.

 

 

 

 

 

Ngayon, nag tya-tyaga ako dito sa Japan at patuloy na mag tya-tyaga para mapabuti ko ng husto ang buhay ko.

Kahit na miss na miss ko nang maglaro kasama ang mga kinalakihang barkada, heto ako sa Japan, nagtatrabaho kasama ang iba pang foreigners sa isang Japanese company.

At sobrang pinagpala ako dahil maganda ang naging resulta ng pagtatrabaho ko dito bilang part-time 2 years ago dahil ngayon, employee na ako na may magandang pwesto.

Sakto lang ang sahod. Nakakaipon, nakakabayad ng bills, nakakakain ng maayos, may pang gala at pang shopping.

Pinaka magandang parte sa pag tatrabaho dito? Di lang hapon ang nakakasalamuha ko. 

Marami ding employees na hapon, pero mas madami pa rin ang mga foreigner dito.

 

 

 

 

Di sa ayaw ko sa buhay ko ngayon dito sa Japan.

Madami ding akong nararanasang magagandang bagay dito.

May mangilan-ngilan akong kaibigang hapon at iba pang foreigners.

Na-meet ko ang boyfriend ko dito na alam kong pakakasalan ko.

May mga araw man na nalulungkot ako dahil di ko kasama ang mga barkada ko, wala naman akong pinagsisisihan sa naging desisyon kong maging japanese citizen na lang at dito mamuhay.

Pero walang araw na nalimutan ko kung gaano kasayang mamuhay na alam mong halos abot kamay mo lang ang mga kaibigan mong tunay.

 

 

 

 

Grabe miss ko na mga barkada ko sa Pinas!

Makapag bakasyon nga next year.

 

 

 

 

Til next blog,

 

 

 

 

Ciao!

 

 

 

 

P.S. Kung may pinoy man na nakabasa netong blog na to, wag kayong mag-alinlangang kontakin ako. Let’s be friends!

COMMENT

メールアドレスが公開されることはありません。

内容をご確認の上、送信してください。